Ang mga gawain/aktibidad ba sa simbahan ay tunay na mahalaga sa kaligtasan ng isang tao?
Bahagi ito ng pakikipag-usap ko sa isang kapatid tungkol sa mga aktibidad sa simbahan: Tinanong niya, “Kasama ba sa mensahe ng Ebanghelyo ang mga gawain sa simbahan? Mahalaga ba ito sa kaligtasan ng isang tao o ito ay mga kultural na inaasahan lang ng mga modernong Kristiyano sa inyong lugar?” Naiintindihan ko ang punto mo. Dapat nating isagawa ang mga gawain sa simbahan dahil mahalaga ang mga ito, ngunit hindi dahil awtomatiko nitong ililigtas ang tao. Para sa akin, ang pagdalo ay hindi awtomatikong tanda ng kaligtasan, at ang hindi pagdalo ay hindi rin awtomatikong tanda ng kawalan nito. Gayunpaman, may kahulugan pa rin ang mga gawain na ito dahil: 1. Nakakatulong ito sa mga mananampalataya na manatiling nakatuon kay Kristo. 2. Hinihikayat nito ang mga hindi nananampalataya na makilala si Kristo at tanggapin Siya. Kaya’t ang tunay na relasyon kay Cristo ay kadalasang nagbubunga ng kagustuhang makipagtipon, lumago sa pananampalataya, at makilahok sa buhay ng simbahan. Naalala ko nang ...