Mga Post

What is prayer?

Imahe
  Ang Panalangin ay Paglapit sa Diyos Ang panalangin ay hindi lamang paghingi ng mga bagay sa Diyos. Ito ay paglapit sa Kaniyang presensya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa panalangin, ipinapahayag natin ang ating pananampalataya, pagtitiwala, at pagdepende sa Diyos. Kapag lumalapit tayo sa Diyos, nararanasan natin ang Kaniyang kapayapaan, kagalakan, kalakasan, at pag-asa. Hindi ibig sabihin na agad nawawala ang lahat ng problema, ngunit sa presensya ng Diyos ay may aliw, gabay, at lakas upang magpatuloy. Itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ay malapit sa mga tumatawag sa Kaniya nang may katapatan. Kaya ang panalangin ay hindi lamang gawain ng relihiyon — ito ay pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa langit. Mga Talata: 4:16 — “Lumapit tayong may pagtitiwala sa trono ng biyaya…” 4:6–7 — Ang kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa ating puso at isip. 145:18 — Ang Panginoon ay malapit sa lahat ng tumatawag sa Kaniya. Hamon: Maglaan ng oras araw-araw upang lumapit sa Diyos sa pan...

Mindset Matters, But God Matters More

Imahe
  Naiimpluwensyahan ng isip ang buhay — Ngunit ang Diyos pa rin ang mas makapangyarihan. Totoo na ang paraan ng pag-iisip natin ay may malaking epekto sa ating kilos, emosyon, ugali, at mga desisyon. Kapag paulit-ulit na pinapakain ng tao ang kaniyang isip ng takot, galit, o kawalan ng pag-asa, unti-unti ring nahuhubog ang kaniyang pamumuhay ayon dito. Ngunit kapag ang isip ay pinupuno ng katotohanan, karunungan, at mga bagay na makadiyos, ang buhay ay mas nagiging maayos at matuwid. Sinasabi ng Kasulatan: “Huwag kayong makiayon sa sanlibutang ito, kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.” — Roma 12:2 At: “Sapagkat kung ano ang iniisip niya sa kaniyang puso, gayon siya.” — Kawikaan 23:7 Kaya mahalaga ang isip. Ang isip ay maaaring maging pintuan ng kabanalan o kasalanan. Ang paulit-ulit na iniisip ay maaaring maging ugali, at ang ugali ay maaaring maging direksiyon ng buhay. Ngunit bilang mga Cristiano, hindi tayo naniniwala sa “manifestation” o “law of a...

PERSONAL INSIGHT: Nawawala ba ang kaligtasan o hindi?

Imahe
  Sa usapin ng pagkawala o pananatili ng kaligtasan, mahalagang alalahanin natin na ang Diyos ang may huling kapasyahan. Siya lamang ang lubos na nakakakilala sa puso at pananampalataya ng tao. Naniniwala ako na ang taong totoong sumampalataya kay Cristo ay may katiyakan ng kaligtasan sa Kanya. Ngunit alam din natin na bilang tao, tayo ay mahina at nagbabago. May mga panahon na malakas ang ating pananampalataya, at may mga panahon ding tayo ay nanghihina. Kaya patuloy tayong tinatawag ng Diyos na manatili kay Cristo at magpatuloy sa pananampalataya. Kaya ipagkatiwala natin ang ating kaligtasan sa Panginoon, hindi sa ating sariling pakiramdam o pananaw. Kung may mga kapatid tayong naniniwala na hindi nawawala ang kaligtasan, igalang natin sila. At kung may mga naniniwala naman na maaaring talikuran ng tao ang Diyos, unawain din natin sila. Sa huli, ang Diyos lamang ang may ganap na karapatang humusga at nakakaalam ng tunay na kalagayan ng puso ng bawat isa. Hindi natin nababasa a...

Bakit Mahalaga ang Pagdalo sa Pagkakatipon o Pagsamba?

Imahe
  Mga Sagot sa Buhay mula sa Bibliya: Mawawala ba ang kaligtasan kapag hindi nakadalo? Ang pagkakatipon ng iglesia ay mahalaga dahil ito ay kalooban ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Hindi lamang ito simpleng “attendance,” kundi bahagi ng buhay ng pananampalataya, pagsamba, pakikinig sa Salita ng Diyos, pakikisama sa mga banal, at pagpapatibay sa isa’t isa. Sinasabi ng Biblia: “Huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin natin ang loob ng isa’t isa...” — Hebrews 10:25 Ang iglesia ay hindi lamang organisasyon kundi katawan ni Cristo. Kaya ang isang tunay na mananampalataya ay natural na nagnanais makibahagi sa buhay ng iglesia, sa pagsamba, pananalangin, pag-aaral ng Salita, at pag-alala kay Cristo sa Hapunan ng Panginoon. Hindi tayo naliligtas dahil lamang sa “pagpasok sa church building.” Ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ngunit ang isang naligtas ay tinatawag ding mamuhay nang tapat kay Cristo. Kaya...

Ang Iglesia na May Direksyon: Nakasentro kay Cristo at sa Kanyang Misyon

Imahe
  Sa panahon ngayon, maraming iglesia ang abala sa iba’t ibang programa, aktibidad, at mga gawain. Ngunit mahalagang itanong: Ano ba talaga ang sentro ng ating ministeryo? Kapag ang isang iglesia ay walang malinaw na vision at mission na nakaayon kay Cristo, madali itong matangay ng impluwensya ng mundo, personal na agenda, o pansamantalang uso. Nawawala ang direksyon, at unti-unting nawawala rin ang tunay na layunin kung bakit itinatag ni Cristo ang Kanyang Iglesia. Ang Iglesia ay hindi simpleng organisasyon lamang. Ito ay katawan ni Cristo, at si Jesus mismo ang ulo nito. Kaya’t ang direksyon ng Iglesia ay hindi dapat nakabatay sa kagustuhan ng tao kundi sa kalooban ng Diyos na ipinahayag sa Kasulatan. Ayon kay Jesus sa Dakilang Utos: “Humayo nga kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa...” — Bible Ito ang sentrong mission ng Iglesia: gumawa ng mga alagad, ipangaral ang ebanghelyo, at akayin ang mga tao sa pagsunod kay Cristo. Hindi entertainment ang pangun...

Mga Sagot sa Buhay mula sa Bibliya: May Iisang Strategy ba na Akma sa Lahat?

Imahe
Sa panahon ngayon, maraming istratehiya para sa pangangaral ang itinuturo ng iba’t ibang organizations, grupo, o mga iglesia. Kadalasan, ipinapakita na ang kanilang approach ang pinaka-epektibo. Dahil dito, mahalagang itanong: Mayroon bang iisang istratehiya na akma sa lahat? Higit pa rito, may itinuro ba si Jesus na fixed method para maabot ang mga tao, o ang mga ito ba ay bunga lamang ng ating pag-aaral at obserbasyon kung paano Siya nakipag-ugnayan sa iba? Kapag sinuri natin nang maingat ang Gospels, wala tayong makikitang ibinigay si Jesus na iisang formula o technique. Sa halip, ang makikita natin ay mas malalim: isang consistent na mensahe na ipinapahayag sa pamamagitan ng wise at context-sensitive na pakikitungo. Mahalaga ang pagkakaibang ito. Hindi nagbibigay si Jesus ng method na kokopyahin lang; nagbibigay Siya ng model na dapat unawain nang tapat. Upang masagot ito nang tama, kailangan nating hayaang magsalita ang teksto—pagmasdan kung paano talaga nakipag-ugnayan si Jesus s...

Insights on Genesis 6:19–20: When Faith Goes Beyond What We See

Imahe
In Genesis 6:19–20, God commands Noah to bring pairs of animals into the ark so they may be preserved. At first glance, this may seem like a simple instruction within the flood narrative. But when we reflect more deeply, this moment reveals something profound about God’s power, human response, and the nature of true faith. 🐾 A Visible Sign of God’s Work The gathering of animals was not ordinary. Scripture emphasizes that the animals would come to Noah (Genesis 6:20). This suggests divine intervention—God Himself orchestrating creation to fulfill His purpose. Imagine the scene: Different kinds of animals approaching the ark Order, timing, and purpose in their movement A public event that people around could have witnessed This was not hidden. It was a visible sign of God’s activity . And yet, despite such a powerful display, many still did not believe. Why Didn’t People Believe? This raises an important question: If there were visible signs, why did people still reject the messag...

Ang mga gawain/aktibidad ba sa simbahan ay tunay na mahalaga sa kaligtasan ng isang tao?

Imahe
Bahagi ito ng pakikipag-usap ko sa isang kapatid tungkol sa mga aktibidad sa simbahan: Tinanong niya, “Kasama ba sa mensahe ng Ebanghelyo ang mga gawain sa simbahan? Mahalaga ba ito sa kaligtasan ng isang tao o ito ay mga kultural na inaasahan lang ng mga modernong Kristiyano sa inyong lugar?” Naiintindihan ko ang punto mo. Dapat nating isagawa ang mga gawain sa simbahan dahil mahalaga ang mga ito, ngunit hindi dahil awtomatiko nitong ililigtas ang tao. Para sa akin, ang pagdalo ay hindi awtomatikong tanda ng kaligtasan, at ang hindi pagdalo ay hindi rin awtomatikong tanda ng kawalan nito. Gayunpaman, may kahulugan pa rin ang mga gawain na ito dahil: 1. Nakakatulong ito sa mga mananampalataya na manatiling nakatuon kay Kristo. 2. Hinihikayat nito ang mga hindi nananampalataya na makilala si Kristo at tanggapin Siya. Kaya’t ang tunay na relasyon kay Cristo ay kadalasang nagbubunga ng kagustuhang makipagtipon, lumago sa pananampalataya, at makilahok sa buhay ng simbahan. Naalala ko nang ...

Ang Tunay na Pagkakakilanlan ay Nagmumula sa Diyos

Imahe
Tinuturuan tayo ng mundo na kilalanin ang ating sarili… pero paano natin tunay na makikilala ang ating sarili kung hindi natin kilala ang ating Manlilikha? Nakatala sa Marcos 1:11 ang kumpirmasyon ng Ama tungkol kay Jesus kaagad pagkatapos ng Kanyang bawtismo. Pagkatapos Siyang bautismuhan, bumaba ang Espiritu Santo sa Kanya, at narinig ang tinig mula sa langit na nagsasabing Siya ang minamahal na Anak ng Diyos. Ipinapakita nito na bago pa man magsimula ang Kanyang ministeryo, malinaw nang ipinahayag ng Diyos ang Kanyang pagkakakilanlan. Makikita rin dito ang pagkilos ng Tatlong Persona ng Diyos, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, na sabay-sabay na kumikilos. Pinatutunayan nito na si Jesus ay banal, walang kasalanan, at lubos na sumusunod sa kalooban ng Ama. Hindi Niya kinailangang patunayan ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng mga gawa muna, sapagkat kinilala na Siya ng Ama kung sino Siya. Ipinapaalala sa atin ng talatang ito na ang ating pagkakakilanlan ay hindi nakabase sa at...

Faith and Baptism: What is the Connection?

Imahe
  Passage: Acts 16:25–34 Topic: Faith and Baptism Series: Doctrine, Character, Relationship, and Salvation – The Assurance (Part 2) 💬 If you truly believe and are already saved… why do you still need to be baptized? This is not a simple question. It is a question that addresses or influences the most vital part of our understanding of salvation. Many say: “I already believe, that is enough.” So for others, baptism becomes optional, a mere symbol that can be done… or not. But what does Scripture show us based on the experience or conversion of the jailer? In the story of the jailer in Acts 16, we see not only how faith begins, but how it immediately responds. 1. Before Faith: God’s Awakening A violent earthquake shook the prison. The doors were opened. But above all, the heart of the jailer was shaken. In the midst of fear and the realization of his condition, he asked: “Sirs, what must I do to be saved?” (v.30) This was not yet faith; it was an aw...

Pananampalataya at Pagpapabawtismo: Ano ang Ugnayan?

Imahe
Talata: Mga Gawa 16:25–34 Paksa: Pananampalataya at Pagpapabawtismo Serye: Doktrina, Ugali, Relasyon at Kaligtasan – Ang Katiyakan (Part 2)      Kung ikaw ay tunay na nanampalataya at ligtas na… bakit kailangan pang magpabawtismo? Ito ay hindi simpleng tanong. Ito ay isang tanong na tumutugon o nakakaimpluwensya sa pinakamahalagang bahagi ng ating pagkaunawa sa kaligtasan. Marami ang nagsasabi: “Nanampalataya na ako, sapat na iyon.” Kaya para sa iba, ang bautismo ay nagiging optional, isang simbolo lamang na maaaring gawin… o hindi. Ngunit ano ang ipinapakita ng Kasulatan base sa karanasan o pagbabalik-loob ng tagapagbantay? Sa kuwento ng tagapagbantay ng bilangguan sa Mga Gawa 16, makikita natin hindi lamang kung paano nagsisimula ang pananampalataya, kundi kung paano ito agad na tumutugon.   1. Bago   ang Pananampalataya: Pagpukaw ng Diyos. Isang malakas na lindol ang yumanig sa bilangguan. Nabuksan ang mga pintuan. Ngunit higit sa lahat, n...

The Case of the Philippian Jailer (Acts 16:30–34)

Imahe
  🔍 Was the jailer truly saved? When the jailer approached Paul and Silas, his question was clear and direct: “ Sirs, what must I do to be saved? ” (Acts 16:30) This was not a simple question about religion or morality. It was a question about salvation itself. What does the text clearly say? 1. A clear answer was given. Paul and Silas answered: “ Believe in the Lord Jesus, and you will be saved… ” (Acts 16:31) After this: “ And they spoke the word of the Lord to him… ” (v.32) Observation: Faith is the central response that was emphasized. But not only what must be done (v.31) was explained, but also the word of God (v.32). 2. There was an immediate response from the jailer. The text shows a sequence of actions: • He listened to the word (v.32) • He showed care (washed their wounds, v.33) • He and his household were baptized (v.33) Observation: The jailer did not merely listen—he responded immediately. 3. There is a clear testimony from the writer. Luke said: ...

Ang Pag-aaral sa Pananampalataya ng Tagapagbantay sa Filipos" (Acts 16:30–34)

Imahe
  🔍 Ang tagapagbantay ba ay tunay na naligtas? Nang ang tagapagbantay ay lumapit kina Pablo at Silas, ang kanyang tanong ay malinaw at direkta: “Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?” ( Gawa 16:30 ) Hindi ito simpleng tanong tungkol sa relihiyon o moralidad. Ito ay tanong tungkol sa kaligtasan mismo. Ano ang malinaw na sinasabi ng teksto? 1. May malinaw na sagot na ibinigay. Sumagot sina Pablo at Silas: “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka…” (Gawa 16:31) Pagkatapos nito: “At sinalita nila sa kanya ang salita ng Panginoon…” (v.32) Obserbasyon: Ang pananampalataya ang sentrong tugon na binigyang-diin. Ngunit hindi lamang ang kinakailangang gawin (v.31) ang  ipinaliwanag  kundi pati ang salita ng Diyos (v.32). 2. May agarang tugon mula sa tagapagbantay. Makikita sa teksto ang sunod-sunod na kilos: • Nakinig siya sa salita (v.32) • Nagpakita ng malasakit (hinugasan ang sugat, v.33) • Siya at ang kanyang sambahayan ay nagpabautismo (v.33) Obse...